<body><!-- --><div id="b-navbar"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-logo" title="Go to Blogger.com"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/logobar.gif" alt="Blogger" width="80" height="24" /></a><form id="b-search" action="http://www.google.com/search"><div id="b-more"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-getorpost"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/btn_getblog.gif" alt="Get your own blog" width="112" height="15" /></a><a href="http://www.blogger.com/redirect/next_blog.pyra?navBar=true" id="b-next"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/btn_nextblog.gif" alt="Next blog" width="72" height="15" /></a></div><div id="b-this"><input type="text" id="b-query" name="q" /><input type="hidden" name="ie" value="UTF-8" /><input type="hidden" name="sitesearch" value="dropletssoflervee.blogspot.com" /><input type="image" src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/btn_search.gif" alt="Search" value="Search" id="b-searchbtn" title="Search this blog with Google" /><a href="javascript:BlogThis();" id="b-blogthis">BlogThis!</a></div></form></div><script type="text/javascript"><!-- function BlogThis() {Q='';x=document;y=window;if(x.selection) {Q=x.selection.createRange().text;} else if (y.getSelection) { Q=y.getSelection();} else if (x.getSelection) { Q=x.getSelection();}popw = y.open('http://www.blogger.com/blog_this.pyra?t=' + escape(Q) + '&u=' + escape(location.href) + '&n=' + escape(document.title),'bloggerForm','scrollbars=no,width=475,height=300,top=175,left=75,status=yes,resizable=yes');void(0);} --></script><div id="space-for-ie"></div><!-- --><div id="b-navbar"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-logo" title="Go to Blogger.com"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/4/logobar.gif" alt="Blogger" width="80" height="24" /></a><form id="b-search" action="http://www.google.com/search"><div id="b-more"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-getorpost"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/4/btn_getblog.gif" alt="Get your own blog" width="112" height="15" /></a><a href="http://www.blogger.com/redirect/next_blog.pyra?navBar=true" id="b-next"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/4/btn_nextblog.gif" alt="Next blog" width="72" height="15" /></a></div><div id="b-this"><input type="text" id="b-query" name="q" /><input type="hidden" name="ie" value="UTF-8" /><input type="hidden" name="sitesearch" value="strawberryicecream-.blogspot.com" /><input type="image" src="http://www.blogger.com/img/navbar/4/btn_search.gif" alt="Search" value="Search" id="b-searchbtn" title="Search this blog with Google" /><a href="javascript:BlogThis();" id="b-blogthis">BlogThis!</a></div></form></div> <script language="JavaScript"> <!-- function SymError() { return true; } window.onerror = SymError; var SymRealWinOpen = window.open; function SymWinOpen(url, name, attributes) { return (new Object()); } window.open = SymWinOpen; //--> </script> <script type="text/javascript"><!-- function BlogThis() {Q='';x=document;y=window;if(x.selection) {Q=x.selection.createRange().text;} else if (y.getSelection) { Q=y.getSelection();} else if (x.getSelection) { Q=x.getSelection();}popw = y.open('http://www.blogger.com/blog_this.pyra?t=' + escape(Q) + '&u=' + escape(location.href) + '&n=' + escape(document.title),'bloggerForm','scrollbars=no,width=475,height=300,top=175,left=75,status=yes,resizable=yes');void(0);} --></script><div id="space-for-ie"></div>

Welcome

This is my new blog layout featuring one of my favorite Korean actors, Jang Dong Gun!!!


Change name

Sunday, December 26, 2004 - Merry Christmas....

Ngayon ay araw ng pasko ngunit di ko maipaliwanag kung bakit di ako masaya talaga.

Siguro ang nakapagpasaya lang sa'kin ay ang panonood ko ng tv. Tagal na kasi akong di nakakapanood ng shaman king at fruits basket. Haay...buti na lang nakakatuwang manood ng furuba. Ang episode kanina ay yung nagkasakit si Tohru at nung bumisita sina ni Yuki kay Ayame.

Bukod pala dun, natutuwa din sko kasi madami din namang bumati sa'kin ng merry christmas. Maraming nakaalala pa sa'kin. Di ko inaasahan na babatiin pa nila ko. Kaya lang nabusan na ko ng load, di ko tuloy mabati lahat ng gusto kong batiin ng merry christmas. Basta, thanks dun sa bumati sa'kin sana maging masaya ang pasko ninyo...

Meron pa palang isa nanakapagpapasaya sa'kin... My Tutor Friend!!! Pangatlong beses ko nang pinanood ito kahapon. Pinapanood ko din sa kapatid ko. Hehehe. At Grabeh! kahapon, habang nanood ako sa channel 7 bigla akong napairit at napatawa. Kasi nakita yubg bidang guy ng My Tutor Friend sa commercial. Pinapatalastas kasi yung baong chinovela na ipapalabas sa seven. Nakalimutan ko na kung ano yung nakasulat pero parang sinasabi na
"After endless love..... " Kung sino man nakakalalam sabihin nyo naman sa'kin heheh. Basta prang sinasabi na ang Stairway to Heaven ang pinakasikat sa Korea na series niton 2004.
Excited na kong mapanood ang series na yan! Haaay. .Ang cute talaga ni Kwon Sang Woo.Ang partner nya dito ay si Choi Ji Woo (yung girl from winter soanta ang beautiful days).
Haay.Dahil sa sobrang tuwa ko sa MTF, kumuha ako ng screen caps. Heheh. Iuupload ko na lang mamaya.

May isisingit nga pala ako...hehehe
Ang bago kong blog! --sa tabulas... tinestesting ko lang gumawa ng blog sa tabulas, ayaw gumana nung ibang designs na napili ko kaya ayan, si draco ng lang ang nilagay ko. Medyo gumagana kasi, kaya lang minsan nagiiba yung kula yng font sa profile, comments etc. Heheh.
Dito nga pala ako nagpopost paminsan-minsan... http://www.tabulas.com/~verna87





Jang Dong Gun laughed@ 7:00 AM

Thursday, December 23, 2004 - 3 days na lang

Haay..Lapit na pasko pero di ko pafeel. Ang dami kong assignments, scipaper at exams sa January. Ayoko na atang pumasok!!! Nooooo!!!!!
----
Kahapon pinanood ko ulit yung My Tutor Friend.. Ang ganda talaga!!! Ang cute at astig pa nung mga bida.Haay..
----
Anung meron?
Kahapon lumabas ako ng bahay.Tinext ako ng friend ng Ninang ko from Canada. Mepapasko sa'kin. Natutuwa naman ako..heheh. Kasi lagi nya kong naaalala. ^_^ Thanks Ninang.

Nung lumabas ako, dumaan ako sa may vega arcade at bumili ng 10 blank cds. Cd-r King ang tatak. Haay.. Buti naman at gumagana ng maayos. At bukod dun mura pa! 10 pesos lang. Yung binibilhan ko dati, mahal na nga, di pa ok gamitin sa cd writer ko. Dati naman ok gamitin pero nung ng burn ako ng cd for my friend, ayaw gumana sa player nila. Haay. Dapat puro data cd na lang iburn ko. Abt sa blank cds ulit, sa may vega center 15 pesos at sa may oli naman ay 20 pesos. Sa tagal ko ng nabuburn ang mga nasubukan ko na ay melody, vertex at imation, ritek, sigma at syempre sony. Syempre maganda talaga quality ng sony kaya lang mahal lalo ng yung cdrw. Kakatawa nga eh nagpabili ako sa nanay ko ng madaming cdrw, sabi ko pagmenakita lang mura. Kaya lang sony yung binili nya. Ang mahal tuloy. Heheh.
DUn sa mga ibang tatak ng blank cd, ok para sa'kin ang sigma at melody. Pero pinaka sulit ang king. Katatapos ko lang magburn kagabi at kanina ng 4 mp3 cds for m friends. King yung ginamit ko at ok naman. ^_^ Lahat ng Jmp3s ko nilagay ko sa cd. Sana nga meextra pa kong blank cds. (Kasi gagamitin ko yung ibang cds for My Sassy Girl and My Tutor Friend)Gusto ko rin kasi magkaron ng copies ng mp3s ko sa cd. Meron naman akong copies ng mp3s ko pero hiwahiwalay..nasa mga 10 cds na din namn puno yung iba, at yung iba defective, yung iba naman eh nsa audio cds. Ang galing ko, nagpagkasya ko yung mga mp3s ko sa 3cds! Heheh...

----
Gusto ko lang isulat ang parang wishlist/todolist ko dito...(halo halo na'to)
Ala masyadong kwenta...ehehheh
-matapos ang sci-paper sa crpt
-magkapagaral para sa mga exams at quizzes for next year
-magkaron ng mabait at ok na adviser for may major
-mahabang mahabang bakasyon
-cd binder na maganda ang design
-madaming blank cds na maganda ang quality
-vcds ng furuba at magagandang korean movies
-vcds ng hunter x hunter GI final at Wicth Hunter Robin (meron na nga pala ako nito)
-cute anime plush dolls o kaya naman kahit anung cute ng laruan
-kumpleto at organized na list ng mga mp3s at vcds ko
-bagong gitara
-bagong organ o kya naman ay piano
-mapalaser ang mata (nakakatakot ata pero sana makaya ko kung sakaling maganap nga 'to)
-party na kumpleto kami
-malinis at maimis ko ang kwarto ko
-magkaron ako ng bagong crush na nakikita ko pamisan minsan
-makapagapply bilang exchange student (try lang naman...gusto kasi ng nanay ko..eh)
-macontrol ko ang sarili ko sa pagkain, lalo na yung mga bawal sa'kin
-makapasa sa eco11, stat1,bio30,phlo1,crpt2,bot20 at nasc8
-manatiling cs ngayong sem at sa susunod pang mga sem

sa ngayon, yan muna...saka ko na dadagdagan..heheh

----
after kong bumili ng cds, sinundan ko yung nanay ko sa bank. then, nagpunta kami rob. Prang pabalik balik na kami dito, Nagsasawa na ko. Heheh. Bumili kami ng gifts para sa tita ng pinsan ko. Haay.... Ang tagal bago kami makapili ng bag. Medyo naaawa na ko dun sa lalaking nakasign sa mga bags. KAsi ilang beses na siyang pabalik bali sa stock room o kung san man nakatago yung ibang bags. Kasi pagmenakita yung nanay ko na bag, tatanung ano pa yung ibang kulay, design etc. Ilang beses tuloy syang pabalik balik para kumuha ng bags, dam inga nakatambak na bag na..Tsaka pag memantsa o kya dumi yung bag, pinapansin ng nanay ko. Gagawin tuloy nya eh, bililinis pa nya at pinupunasan. Haay..ANg tyaga naman niya at ang bait pa..Heheh. Buti na lang nakapili din kami ng mga bags na pang regalo. Tapos binigyan nya ulit kami ng free items (yung paocket mirror) at coupon para sa raffle ng secosana. Madami na ring bags at mukhang malalaking pencil cases (for kikay kit ata) kaming nabili sa kanya nung sunday pa. Kasi namili din ako ng pangregalo mula sa secosana at cose. Ang cucute talaga ng bags. Yey! Dami na syang sales. Naalala ko lang mejo may itsuta yung nagtitinda. Di ko lang alam name. Yung nanay ko, dami naman tanung, tinatanung pa kung san nakatira, ba't dun nassign, magkano suweldo. Natatawa tuloy ako. Nalaman namin na tag San Pablo sya at dati syang nakaassign sa waltermart sa calamba.
Ibinili ulit ako ng nanay ko ng kurtina. Kasi naubusan ako kami dati ng curtain na spring red ang design. Kaya yung, isang window lang sa kwarto ko yung ganun yung curtain dati. Nakakatuwa. Pareho designs ng curtain, pillow cases, bed sheets etc.. Heheh...Sana magamit ko na ulit...
Naalala ko lang, bago na yung nakaassign sa trendsetter curtains, blankets, bedsheets. pillow cases etc. Si Ate Bea na. Dati si Kuya Ryan. NAkakatuwa kas inagiging friend sila ng nanay ko. Pinagrereserve sya ng items o kya naman ay tinatagan sa bahay pagdumating a yung inorder na item tulad ngcurtains. Sayang, ala na si Kuya Ryan, sa Roobinsons na siya naassign, galing kasing magsalestalk, dami nyang benta. NAg babait talaga nila. Nung andun pa si Kuya Ryan, minsan ikikukuha nya kami ng giftwrapper katumbas ng halaga ng pinamili namin. Eh di nme libre pa kaming mdaming giftwrappers.Kasi di ba free giftwrao for every purchase of 300 pesos. Para di naman masayang. Heheh, kahit di kamagpawrap. Dun naman sa bagong saleslady, nakakuha kami ng 5 red paper bags na katumabas nung mga binili ng nanay ko. Tsaka yung mga bags din nabalutan din. Haay. Buti na lang hinintay ko na lang mabalot yung gifts,,heheh inuna tuloy balutin yung sa'kin..heheh. Dami kasing nagpapagiftwrap eh...

Haay.. kelangan ko na magbreakfast.Kanina kuamin na ko pero chocolate cake lang. ang sarap ng choco cake ng red ribbon..Binigay sa'min ng naupa sa'min sa Calamba, yung isa pang naupa sa'min binigyan ako ng tshirt na binili nya sa Hong Kong heheh...

Babu...


Jang Dong Gun laughed@ 1:59 AM

Tuesday, December 21, 2004 - wanna die???

Heheh. Kanina natuloy kahit papaano ang christmas party namin. Sayang nga lang at kakaunti lang ang nakaatend (Gem, Michi, Marshy, Dada, Sharm, Ichi) Karamihan kasi sa'min ay busy o kaya naman ay nasa ibang lugar..

Anywayz...naging masaya naman kami....

Ano nga bang nangyari?

Naghintayan kami sa olivarez. Akala ko late na ko kasi 8-9 daw. Heheh. Lamapas ng 9 ako duamting tapos sumunod si Gem. Then, dumating na din yung iba pa naming kasama. Matapos bumili ng pangchibog, sinimulan na namin ang byahe. Sumakay kami pa san pablo. Tumawag pa nga si dada sa friend nya para itanong kung magkano ang mga pamasahe.
Sa totoo ang di kami sanay magbyahe sa san pablo kaya parang adventure (Aheheh)
Tinext ko yung sang friend ko na taga san pablo ata. Tinanong ko kung san ang sakayan ng pa nagcarlan. Sabi nya sa tapat ng mcdo sa mall.Bumaba na kami ng jeep, di ko nga makita ng mcdo. Tapos naglakad kami hanggang marating namin yung tapat ng mcdo sa mall at nakakita kami ng jeep na pa nagcarlan at liliw. Sumakay na kami. Ilang minito pa lang ang nakakalipas nag-iisip na agad kami kung san lugar na kami naroroon. Naghanap kami ng landmark. Tapos yung isang friend namin ay nagtanong sa kanyang katabi. Nyek....Nasa San Pablo pa rin pala kami. Nakausap ng kasama kong friend yung friend ko sa Nagcarlan. Nalaman naming medyo matagal pala ang aming byahe. Maarign abutin ng 30 minutes.( matagal na yu para sa'min)Ang mga palatandaan nga pala namin ay yung underground cemetery, yung munisipyo at syempre yung swing sa bahay nina Marshy. Nakita naming yung cemetery at munisipyo. Kaya lang medyo lumampas pala kami sa bahay na aming pupuntahgan. Yung isang kasama ko lang kasia ang nakakita sa swing. Kasi medyo sarado yung jeep at nakaharap kami dun sa kabilang side ng kalasada kaya di namin nakita ka agad.

Pagkarating namin dun, naupo muna kami sandali at sinabayan ng kanta ang pagtugtog ng ng Wag na Wag mong Sasabihin ng isa naming friend.Ang galing niyang maggitara.
Matapos nang ilang sandali kumain na kami ng tanghalian. Nagsagot kami ng quiz na dinowload sa cellphone. Nakakatuwa. Pagkatapos ay naupo ulit kami, di ko na masyadong naalala ang ginawa namin. Tapos umuuwi na si Michi kasi mekelangan siyang puntahan.

Nanood kami sa kwarto ng movie. Nung una ang isinalang namin ay yung little bride. Ang bida dito ay yung batang Jenny sa Endless Love 1 at yung guy from My Love Cindy. Sayang kasi di namin mailagay sa english subtitle yung dvd. Sandali munang pinaltan yung dvd ng anime vcd. Magkatapos ay nilagay na yung My Tutor Friend....
(Sa susunod na entry ko na lang magkwekwento tungkol dito..basta ang cute nung guy.)
After naming mapanood ang napakagandang movie, nilagay namin yugn Guns N Talks. Ang cute ni Wonbin(Andrew of EL1) dito kaya lang sobrang payat nya at mukahang bata pa kahit na mas nauna ang EL. Unang disc lang ang napanood namin. Nagmiryenda kami matapos manood.

Masayang masaya kami matapos kumain. Puro kwentuhan kasi. Wala kaming ginawa kung hindi tumawa ng tumawa.nakaisang oras ata iyon. Pinag usapan namin ang mga nakakatawang bagay. Mga naaalala namin na nangyari nung highschool.
Mga bloopers from hs...eto ang ilan..
group yourselves into groups
your parents consist of your mother and father
get 1/4 sheet of paper.... lengthwise (?)
whole world wide
eto namang iba ay mga shinare...sa dili ata galing
class, form a straight circle...alpahabetical, by height (hah? pano kaya gagawin yan? hehe)

Lagi na lang ako..ibang version daw
Sa Math...singko
Sa Spelling.. Singko
Sa Science Singko
Puro na lang singko..

di ko na maalala yung iba..saka ko na idadagdag..heheh


Marahil ay di kayo natatawa pero tawa kami nang tawa kanina. Kahit na yung kasama namin na di nangaling sa parehong highshool ay natatawa din dahil nakakatawa talaga. Isa pa nakakatawa din yung isa pa naming kasama na medyo slow makagets ng joke. Kung baga nalelate ng tawa. Kaya lahat kami tuloy lalong tawa nang tawa.

Bumalik kami sa kwarto ulit at dun naman tumawa ulit ng tumawa. Kinanta nila Dada at Marshy yung alphabet nung 3rd year highshool. Syempre di ko pedeng banggitin yung song dito. Hehehe.Nakwento rin yung tungkol sa isang bday ng isang teacher. Yung piangahandaan daw ang bday kaya lang sabi ala yung teaher tapos biglang dumating yung teacher. Sinabi ata na..Akala nyo ala ako noh.Heheh. Yung isa pang kinuwento sa'min ay yung kwentuhan tungkol sa tape na gagamitin sa pagrereport. Sabi nung iba gusto niya gamitin ay scotch tape para madaling kagatin. Sabi naman nung iba masking tape para madiling punitin. Bigla daw dumating ang kanilang guro at sya yung tinanong nila. Ang sagot daw sa kanila ang gustong tape ay yung tumutunog (?seryoso ata sa pagsagot). Nagexplore yung iba ng pc at nagtingin ng mga pictures at nakinig sa anime songs. Yung iba naman ay nanghiram ng vcds.(Hiniram ko na pala yung My Tutor Friend..Thanks Marshy..)


Haay...panonoorin ko ulit yung my tutor friend. Ganda kasi eh.....

Naalala ko lang..kaya wanna die kasi kasam ulit yun sa dialogue sa movie..parang sa sassy girl..heheh





Jang Dong Gun laughed@ 3:15 PM

Monday, December 20, 2004 - sleepy

Ayoko munang magtype..Antok na ko eh..me pupuntahan pa ko bukas ng maaga...
Copy and paste na lng...heheh
------------------------

Are You Blessed?
by: Author Unknown, Source Unknown


If you woke up this morning with more health than illness..........you are more blessed than the million who will not survive this week.

If you have never experienced the danger of battle, the loneliness of imprisonment, the agony of torture, or the pangs of starvation.......you are ahead of 500 million people in the world.

If you have food in the refrigerator, clothes on your back, a roof overhead and a place to sleep...you are richer than 75% of this world.

If you have money in the bank, in your wallet, and spare change in a dish someplace....... you are among the top 8% of the world's wealthy.

If your parents are still alive and still married........you are very rare, even in the United States.

If you hold up your head with a smile on your face and are truly thankful.....you are blessed because the majority can, but most do not.

If you prayed yesterday and today........you are in the minority because you believe God does hear and answer prayers.

If you can read now, you are more blessed than over two billion people in the world that cannot read at all.




Jang Dong Gun laughed@ 3:20 PM

Saturday, December 18, 2004 - hmmm...

Haay..Hindi na ko pumasok sa 8 am class ko ng Phlo. Sana di pumasok yung teacher ko. Absent din naman siya nung monday at nung wednesday. Tsaka sabi nung iba, inanounce daw kahapon after ng parolan na walang klase ngayon. Pero syempre may mga guro na masyadong masipag kaya maynagkalse pa rin.

NAgklase kami sa stat.Nung una akala ko 7 lang kami ngunit nung may dumating pa naging 13 na kami. Kung sa bagay, reasonable naman yun kasi di dapat kami mahuli sa leson. KAya lang di ko pa rin nakukuha yung mga exercises ko. Nasa ibang teacher kasi na wala kanina at yung iba naman ay di pa narerecord.

Kanina ang sinagutan namin ay tun gkol sa probability distribution. Naintindhan ko naman yung turo ng prof. Ok naman yung exercise kaya lang mabagal akong magsagot. Nauna na ngang umalis yung mga kagrupo ko. Nung huli, 4 na lang kami sa rum. Konti na lang ang di ko nasasagutan. Di ko sigurado pero parang hinihintay din ata akong matapos nung naiwan na group. Natutuwa ako kahit papaano kasi kahit di ko sila kilala eh tinanong pa ko nung isang kagrupo nila kung matatapos na ko tsaka kung sasabay ako sa pagpapasa.Klasmeyt nga ang tawag sa akin eh. Sabi ko ok lang na mauna na sila at tinanong ko na lang kung san na yung rum. Naiwan ako mag-isa sandali at natapos ko na yung sasagutan. Tapos dumating na yung teacher ko..siguro sinabi nila na isa na lang ang di pa nagpapas. Tapos pinasa ko na yung exercise. Yey... Maaga pa rin naman..marahil mga 12:30. Nakita ko sa ibang section na madami pa rin namang nagsasagot ng kanilang exercise. Bumababa na ko at naabutan ko pa yung grupo sa bumababa din sa hagdanan.

Naisip ko dapat siguro nagpasalamat ako o kaya binati ko man lang sila. Natouch ako...heheh
Ang babaw ko talaga....heheh

Kumain muna ko ng spaghetti tapos nagkita kami ng nanay ko sa robinsons. Bumili siya ng pagexhange gift ng kapaitd ko. Ibinili nya din ako ng blanket. Gusto ko yung blanket kasi makapal.(madalas kasi akong ginawin). Ang pinagpilian ko nga lang na design ay puro pambata. Yung may powerpuff girls ang napili ko.

Paguwi ko sa bahay, pinuntahan ko yung tita ko at binati ko sya ng happy birthday. Tapos kumain ako ng chef'sa salad at namapak ng ham na binili namin kahapon. Sarap....heheh

Haay..kelangan ko pang bumalik sa may vega ng 4. Kaya kelangan ko ng umalis...
Kukunin ko yung batchshirt. Tinawagan ko yugn isang friend ko..kukunin ko na lang din yung sa kanya.

Sayang nga lang...di ako makakarating bukas. Gustong gusto ko pa man ding pumunta sa dati kong school at makisaya. Bukas na kasi ang pinaka celebration ng 75th anniversary ng school na yun. Haaay....

Babu!!!


Jang Dong Gun laughed@ 7:14 AM

Friday, December 17, 2004 - kakapagod..

Hello ulit.
Kagagaling ko lang sa parolan. Ok naman. Masaya din.
Magaganda lahat ng entries tulad ng dati. Magagaling din yung mga mutya.
Yung nanalong parol ay bridge ang design. Piangkokonekta nya ang dalawang bahago. Yung kaliwang bahagi ay nirerepresent ang Christianity sa pamamagitan ng cross. Samanatalang ang kanang bahagi namn ay may buwan na nirerepresent ang Islam. ANg 2nd ay yung nag1st last year. Maganda talaga yung parol. Pinaghirapan idesign at gawin. Gumamit sila ng dapog, at buto ng mais, sitaw at munggo., Meron pang ibon na gawa sa tinuping pape. ANg pang3rd na parol naman ay banka ang design. Magnda din yung explanation nito. Meron itong 2 layag. Yung isa paroparo ang disenyo samantalang yung isa naman ay bata. Nakakatuwa kasi madalian lang pinili yung Chancellor's Choice na parol...ang pumili ay yung vice ata. Tapos ang napili ay yung may design nga na bridge. Di nga nya alam kung kaninong parol yun. Sabi lang nya madaming magaganda peero ang napili nya ay yung may krus ata buwan. Nauna iaanounce yung award na'to.Sa mutya naman, magaganda silang lahat. Yung iba, binasa lamang yung kanilang paliwanag sa parol. Pero yung isa, nagustuhan ko kasi ala syang binasa pero tuloy tuloy yung pagsasalita nya. Kung baga talagang alam nya yung sasaabihin niya at di naman mukhang sinaulo niya, magaling talaga lang sya. Ang nanalo ay galing sa isang org from Forestry. Di ko inakala na siyang mananalo. Yung gusti kong manalo ay 3rd lang ata. Pero ayos na rin, yung nanalong mutya, maganda rin naman siyang sumagot. Tsaka patuloy pa rin siya sa pagexplain ng kanilang parol bagama't nagkaron ng konting problema sa sound system. Dun sa unang bahagi ng kanyang pananalita, parang paos sya, yun pala sa sound system lang meproblema. Di ko lang sigurado pero ang tanung ata sa kanya ay kung sino ang superhero nya. Tapos ang sagot nya si Darna. Napakasimple ng sagot nya. Parang ganito...si Darna ang napili daw niya kasi syempre babae tska kayang pangalagaan ang kagubatan..(parang medyo nirelate nya dun sa nangyaring trahedya). Naalala ko din na du nsa last walk nila, parang sya yung talagang magandang maglakad at todo ngiti...ang cute din nung suot nya....green...
BAgo inaanounce yung mga nanalo, syempre me intermission. Menagsayaw at meron ding umawit. Maganda naman ang kanilang presentasyon. Kaya lang minsan meproblem sa sound system. Halimbawa, dun sa sayaw, medyo mahina yung music. Kaya pinalakasan. Tapos dun naman sa kumanta, nung una, dalawa yung boses na kumakanta kasi di ata tinangal yugn original na voice nung kumanta. Tapos inulit. Nung take 2 na, medyo napalakas yung music. Nabibingi na nga kami eh. Tapso medyo nasasapawan tuloy yung pagkagandang boses nung singer. Nung matatapos na doon lang hininaan kasi menagsabi dun sa nagcocontrol ng sounds. Di ko sure pero ang title ata nung song ay How did you know I needed someone like you in my life...

Haay..NAkakangalay tumayo...Umuwi na kami agad matapos iannouce ang winners. Di ko tuloy naabutan kung me annoucement o wala. Dam iko tinext, isa pa lang nagreply. Sabi, ala daw klase... Yey at Boo... Kasi yoko na talagang pumasok bukas...Boo kasi di poa naibabalik kahit isang exercise k osa stat..Pano ko magrereview sa January na yung exam namin.... Haaay.. Baka puntahan ko na lang yung prof ko bukas kung andun sya...

Kelangan ko ng matulog....Pagod na ko pero syempre masaya ako...

^_^


Jang Dong Gun laughed@ 3:03 PM

.: i am a hunter :.
.: Congatulations you passed the exam , you are now
free to pick that liscense card and acces the
hunters website ( private ) located somewhere
at http://www.hunters-website.tk but before you
enter please submit your email add at
http://formmail.to/darrick for teh password and
username validation ok...

enjoy being a hunter


.: Hunter x Hunter :. The Hunters Exam
brought to you by Quizilla

Mage
Mage: You can bend and twist reality to your whims
as long as you are willing to pay the price.
Knowledge fuels you, and spurs you to new and
challenging heights on a regular basis. Magic
is your tool of choice, and no matter how you
invoke its power, you can control and shape it
to your whims. You try to slowly change
consensual reality in order to allow others to
experience your power, as well as lessen the
negative effects of casting your spells. One
day you hope to transcend this mortal husk that
binds you and become something greater.


What type of World of Darkness Creature Are You?
brought to you by Quizilla


Jang Dong Gun laughed@ 7:05 AM

Kaninang umaga ng exam ako sa eco11. Ang hirap! Dapt pala binasa ko yung book. KAsi ang pinagaralan ko lang ay yung handouts at notes ko. Nakatulong naman yung pinahiram sa'kin ng friend ko na handouts at exercises kahit papapano.Sana maganda ang kalabasan ng huling exam ko para sa year 2004.

After ng eco, me klase ako ng bot20. Naglexture yung prof namin abt photosynthesis-photosystem I and II. Mebalak pa pala siyang magpaquiz bago umawas, buti na lang di natuloy. After bot, kumain na ko kasama ng friends ko ng lunch. Tapos hinintay nammin na magklase kami ng Nasc8. Mepinagawang activity dun, yung may metacards. NAkakatawa yung ibang group mates ko kasi kung ano anung kwento yung ginagawa nila.

Kanina ata yung oble run pero di namin napanood dahil syempre me klase kami ng nasc5.

Nagyon, nasa bahay ako at inaantok. Dapat siguro natulog na lang ako pagkarating ko kanina. Haay. LA nang oras, kelangan ko din bumalik sa campus mayamaya. Kasi ngayong gabi na ang parolan. Haaay...Ayokong magklase pa bukas. Kaya lang bukas ang stat1 lab ko. Kung di kami magkaklase, mahuhuli kami sa lesson. Isa pa, di pa naibabalik sa'min yung past exercises. Kelangan namin makuha yun upang memareview sa bakasyon Kasi sa January, sobrnag busy na ko. Tadtad na kami ng exams. Meexam din kami sa stat agad. Haay...

Alis na ko... sana makapunta ko sa parolan...

^_^




Jang Dong Gun laughed@ 6:57 AM

Thursday, December 16, 2004 - christmas break

Hurrah!!! Lapit na ang christmas break. Bukas na ang parolan.
Isa na lang exam ko bukas, eco11. Di pa ko nakakapagreview kaya pipilitin kong makapagreview mamaya.

Haay...Hindi naging maganda ang simula ng linngong ito para sa kin. Bakit? Dahil lang naman sa kinalabasan ng isa kong exam. Ang babaw ko no? Parang exams lang...nalungkot na ko...Haay..Pero kahit ganun, nagpapasalamat pa din ako dahil nakapasa ako sa mga pagsusulit ko nung isang linggo. Sana makabawi na ako sa susunod.Heheh.

Bukod sa mga exams at iba pang suliranin...
Ang pagkamatay na siguro ni na hari ng pelikulang Pilipino - si FPJ ang pinala matunog na nangyari sa linggong ito. Nung nacomatose sya, naisip ko na rin agad na malaki ang posibilidad na di siya magtatagal. Hindi ko lam kung bakit...pero parang di nakakagulat? . Marahil ganun lang talaga ako, nahihirapang tumanggap ng mga ganyan lalo na kung biglaan.

Bukod sa panonood ng balita tungkol kay FPJ, nagbalik din ak osa panonood ng slam dunk at lovers in paris. Maganda na kasi yung episodes, malapit ng matapos ang laban sa pagitan ng shohoku at kainan. Yung lover's in paris, magaganda din yung episodes. Me isa pa nga pala akong natuklasan kanina, na tapos na ang witch hunter robin. Buti na lang napanood ko na lahat ng episodes nung isa pang linggo. Ang pumalit sa RObin ay ang Full Metal Panic. Natutuwa ako sa anime na'to. OK naman yung story pero nakakatawa yung bida. Natapos ko na 'tong panoorin nung highschool pa lang ako...


yun lang ang masasabi ko sa ngayon... pero

bago ko umalis, gusto ko lang sana ipost ito dito...heheh


24 Things To Always Remember
by: Author Unknown, Source Unknown

Your presence is a present to the world.
You are unique and one of a kind.
Your life can be what you want it to be.
Take the days just one at a time.

Count your blessings, not your troubles.
You will make it through whatever comes along.
Within you are so many answers.
Understand, have courage, be strong.

Do not put limits on yourself.
So many dreams are waiting to be realized.
Decisions are too important to leave to chance.
Reach for your peak, your goal and you prize.

Nothing wastes more energy than worrying.
The longer one carries a problem the heavier it gets.
Do not take things too seriously.
Live a life of serenity, not a life of regrets.

Remember that a little love goes a long way.
Remember that a lot … goes forever.
Remember that friendship is a wise investment.
Life’s treasure are people together.

Realize that it is never too late.
Do ordinary things in an extraordinary way.
Have hearth and hope and happiness.
Take the time to wish upon a start.

AND DO NOT EVER FORGET ….
FOR EVEN A DAY
HOW VERY SPECIAL YOU ARE !







Jang Dong Gun laughed@ 11:30 AM

Monday, December 13, 2004 - yey!

Dahil ilang araw na akong di nakakapagblog, magkukuwento na lang ako tungkol sa mga nangyari sa'kin nitong mga nakaraang araw...

Kahapon medyo busy ako. Nagpunta kasama ng tita at nanay ko sa sta. elena tapos sa fortmed sa may paseo. Dapat sasamahan lang namin yung tita ko pero ako na lang nagpacheck up kasi naiwan niya yung medicard nya.
Unang beses pa lang ako nakapunta sa may paseo. Ano bang meron..? Kainan at mga tindahan. Ok naman. May jap restaurant pero di kami dun kumain.
Nung pauwi, dumaan ulit kami dun sa una naming dinaanan. Grabe. Sobrang luag ng road at konti lang ang dumadaan. Tapos ang daming magagandang subdivisions. Yung entrance pa lang, ganda na. Tapos yung ibnag house na medyo kita sa labas, mukhang mansion..heheh. Medyo maganda yung view. Kahit di malapitan (kasi na loob ng kotse) nakita ko yung mga naggogolf. Tumigil muna kami sandali sa may fun farm. Maganda dun...Pambata ang theme, makulay yung lugar..kasi fun farm nga eh...Me pond na may tulay. May totoong rice plants na pang display lang naman.Menaabutan din kami dung children's party. Me mgakabayo, baboy na kakaiba kasi parang babot ramo, manok, rabbit, hamster...ano pa ba? Nagpunta ko dun sa nursery, dami plants na puro ornamentals. Meron din silang tanim na talong, mais at sili. Maganda yung place. Sana makapunta ko dun sa mismong magandang lugar kahit sandali lang sa susunod.

Nung thursday, meconcert dito sa'min, andun si kitchie at iba pa...sayang gusto ko talaga sanang makanood nun...kaya lang meexam ako ng bio30 kinabukasan.

Medyo ayos naman yung exam ko ng bot20 nung thurs at bio30 nung fri. Sana makapasa ako pati yung mga friends ko....

Kagabi, natapos ko nang panoorin yung Hunter X Hunter Greed Island Final. Para sa'kin-ganda ng story talaga.Tagal ko na talagang gustong mapanood yun eh. Pero kahit last saturday ko pa yun nabili sa ame fair, kahapon ko lang napanood. Last week kasi ang pinanood ko naman ay yung Witch Hunter Robin. Yey! Kumpleto ko na episodes nun. Gusto ko din sana magkaron ng Fruits Basket kaya lang masyado naman ako magastos kung bibili ako ng complete episodes nun. Haaay..2 saturdays na nga pala ako di nakakapanood nun, tapos next saturday, busy ulit ako..

About HXH ulit...
Eto yung ilang screencaps...parang spoiler na din dun sa di pa nakakapanood.
Base sa mga pics, mukahang tapos na ang story ng hunter x hunter dahil nakita na ni Gon yung dad nya.Pero...akala nyo lang yun...
Siguro iisipin ko na nakita na ni Gon yung dad nya kung di ako palaging nagbabasa ng hunter manga. Masyado kasi ako updated sa hunter x hunter. Dinadownload ko palagi yung latest translated chapter na nirerelease.Malayo na nga yung story dun sa ending ng GI final eh...












Kanina, nakapagdownload ako ng Wag na Wag Mong Sasabihin..sa wakas at tsaka noypi. Tagal kong hinanap ang mp3 nito!Yey!

Wag Na Wag Mong Sasabihin
Kitchie Nadal

May gusto ka bang sabihin
Ba't 'di mapakali
Ni hindi makatingin
Sana'y 'wag mo na 'tong palipasin
At subukang lutasin
Sana'y sinabi mo na

REFRAIN
Iba'ng nararapat sa akin
Na tunay kong mamahalin

CHORUS
Oh...
Huwag na huwag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong
Pag-ibig kong handang
Ibigay kahit pa kalayaan mo

Ano man ang iyong akala
Na ako'y isang bituin
Na walang sasambahin
'Di ko man ito ipakita
Abot-langit ang daing
Sana'y sinabi mo na

[ repreat REFRAIN ]
[ repeat CHORUS ]

BRIDGE
At sa gabi, sinong duduyan sa 'yo
At sa umaga, ang hangin ang hahaplos sa 'yo

[ repeat CHORUS 4 times ]


Sa thursday may exam ako sa eco11 at sa friday naman ay may exam ako sa bot20-lab.
Aalis na ko..kelangan ko ng tapusin yung exercises ko sa bio30 at bot20...
Sana makapag-aral din ako sa eco at bot.



Jang Dong Gun laughed@ 11:36 AM

Friday, December 10, 2004 - Hello

Haay.. Tagal ko na atang di nag uupdate ng blog.
Sa totoo lang nung saturday night ko pa gustong magsulat sa blog na ito.
Kaya lang palagi na lang metopak yung internet browser ko.
Minsan ayaw magload ng mga pages o kaya naman sobrang bagal kahit maayos naman ang internet connection ko.

Marami akong gustong ikwento. Talagang masaya ako nung saturday at pati na rin ngayong linngong ito kahit na parang napabayaan ko yung studies ko. Haay.. feeling ko kasi mehang-over (tama ba spelling? ^_^) pa ko kahit nakailang araw na.
Ang ibig sabihin ko lang naman eh masaya pa rin ako at iniisip yung event nung saturday. Masyado bang mababaw ang kaligayahan ko? Heheh

Haay. Me mga bagay akong mas dapat ginagawa ngayon kaya di ko muna ako magsusulat tungkol nung saturday. Sana makahanap ako ng oras this weekend.
Marami kasi akong exams simula sa linngong ito. Kanina nagexam ako sa bot20. Buti na lang di sobrang hirap nung exam. Me mga choices. Kasi di ako masaydong prepared. Binasa ko lang yung chap sa book ng ilang beses ilang araw na ang nakakalipas. Tapos kagabi ko lang nireview yung notes ko. Sa aking palagay naman ay makakapsa ako sa exam. Bukas naman ay may exam ako sa Bio30 tapos me 2 exercises kaming gagawin sa stat1. Medyo nahihirapan ako sa stat. Haay...Next week dami kong assignments, exercises, at exams nanaman.

Naalala ko lang....
Umatend ako ng bio30 tutorials kagabi kasama si Milca. Sayang di ako nakasama last week. Menatutunan talaga ako kahit konti.
Haay..nahihirapan talaga ako sa genetics. Sana makaya ko yung exam bukas.

Naupload ko na halos lahat ng pics nung saturday. Tingnan nyo na lang sa links section ng blog ko. Tagal ko naghintay para maupload. Kasi inaabot ng 2-3 hours yung pagupload ng 10 pictures. Di ko na kasi pinaliit, baka lumabo pa. Bali 3 batches ng pics yung inaupload ko. May mga pics na di ok ang pagkakaupload. Tsaka ko na aayusin yung mga yun.

Uhmmm...Sige, titigil na ko dito. Mag-aaral na ko for Bio30.
Natatakot ako na baka bumagsak ako eh...

^_^


Jang Dong Gun laughed@ 8:57 AM

Friday, December 03, 2004 - may bagyo...

kanina nagising ata ako ng mga 4 tapos nakatulog ako...
pagising ko 5:30 na..kumain ako at naligo..nakinig ako ng radyo at naabutan kong sinasabi na na yung region 3,4 at NCR...alang pasok..all levels...napaisip ako, meklase kaya kami? haay...nalate ako ng alis sa bahay...dami kong tinext upang mgatanong kung meklase...ala masyadong estudyante pagalis ko..yung iba naguuwian...
pagkarating ko sa CEM lec hall...nagquiquiz na sila...sinubukan ko magsagot...haayy..zero na ko sa quiz..di ko kasi nagets na ang ibig sabihin pala ng Ed ay Elasticity...kala ko equilibrium...haayy bokya ako sa quiz...nataranta kasi ako...siguro dapat sinilip ko muna yung notes ko bago ako pumasok..napakairesponsable ko talaga no?...o kaya naman kahit sandali, sana tiningnan ko yung notes ko o kaya nagtanung sa katabi ko tungkol sa quiz...lumabas ata yung teacher namin habang nagpapaquiz eh...(cheating yan ah..)
Pumasok na ko sa Bot20 class ko after na Eco11. Nagquiz kami...nasagutan ko naman yung first part..about sucrose, maltose at galactose lang. Yung second part, medyo na guluhan ako sa last number. Kelangan kasi bilugan ang naiiba at magbigay ng reason. Dalawa pala ang pedeng sagot...either alang may bilog o kya may bilog yung isa. Sana di ko na lang binilugan. Tama naman yung binilugan kong naiiba kaya nga lang ang reason ko iniligay ay reason kung wala kang binilugan. Haay...Mali..ehheh
AFter ng bot, kumain kami ni Pam ng baked mac na binili namin sa tindahan sa may biosci. Masarap pala ang baked mac dun...Tapos, hinitay ko dumating yung friend ko. Nagtungo kami sa Agronomy upang ifinalize ang aming major field of interest. Haay ala pa kong adviser, ala kasi akong kilala sa agro eh...pero ok lang parang feel na feel ko ng mag major in agronomy -tapos crop production and management...
NAglakad ulit kami pabalik ng biosci. umili muna kami ni black coffee..ang sarap uminom ng kape.Tagal ko na kasing di nakakainom ng black coffee. Naisipan namin magkape kasi sobrang inaantok kami sa kasunod na klase. Di namin lam kung bakit eh...
Habang meoras pa, ipinasa ko yung mga specimens na nahuli namin for crpt2. Pagkarating namin sa rum,sabi, ala daw kaming klase. Isinulat lang sa board yung tungkol sa field trip namin, kung san at yung babayaran. Tapos nagsign na kami ng attendance. Yey..La na ko klase...
Sinamahan namin ni Ann si Pam na pumunta sa BNP. Naglakad kami kasabay ng isa pa naming kaklase na tagavetmed dorm. Nakarating din kami sa bnp, at nalaman ng friend ko na di talaga tuloy ang silang site visit for lts2 ngayon dahil alang klase ang elementary.Nung paalis na kami, nakita nung isang friend ko yung crush nya..After that, Tumambay muna kami sa SU.Nagpatulong sa exercise yung isang friend ko habang nagangain kami ng mangga na sinasawasaw namin sa alamang. Ang asim nung mangga! Di ko na maalala pero natatawa ako kanina. Hinatid na namin yung isang friend ko sa physici. On our way, nakita naman namin yung crush nung isa ko pang kasama. Haay, ang suwerte talaga nila. Parang araw araw nakikita nila yung mga crush nila..heheh
Bago ako umuwi, nagpa-eload muna ako sa may vega.Di talaga para sa kin yung eload kundi para sa kapatid ng friend ko.
NAkauwi na ko sa bahay. Masaya ako ngayon kasi pinayagan ako ng nanay ko na sumama sa AME Fair sa Diliman sa Saturday. YEY..ala nga lang ako ticket pero sabi nung nagyaya sa'kin metinda naman na ticket dun. Medyo madami pa ko kelangan gawin ngayon..bio30 exercise, study questions, at kelangan ko din pagaralan yung exercise sa stat lab...kaya kelangan ko ng itigil ang pagsusulat dito...

naalala ko lang ..gusto kong makinig ng kanta ni kitchie na wag na wag mong sasabihin... pero ala akong makita na mp3....




Jang Dong Gun laughed@ 7:05 AM

Thursday, December 02, 2004 - haay...

Mukhang maraming nangyari sa linggong ito ah...
+Nakapagbago ako ng hair style...maraming nagsasabi ok daw sa'kin yung hair ko.
+Me dalawang bagyo na dumaan...
Sobrang kawawa talaga yung mga nasalanta. Sa Infanta, Real Quezon, Bulacan...
Haaay...parang nadudurog ang puso ko..(gosh) kasi naiisip ko isa sa may kasalanan ay yung mga involved sa illegal logging. Haay..kung pede lang kasi wag na magputol ng mga puno...(bumabalik tuloy sa aking alaala ang mga natutunan ko sa Nasc5)Tapos narinig ko pa yung balita tungkol sa 10 sundalo na namatay dahil inambush sa Bulacan. Ang mga sundalong tio pa naman ay tutulong dun sa mga nasalanta. Ano ba yan ha? Tutulong na nga lang sa iba,mamamatay ka pa....
+Nakapagpalagay na ko ng sticker sa ID at nakakuha na ko ng lib card
Kahit na normal lang dapat sa isang estudyante yun, isang accomplisment na yun para sa'kin dahil di naman ako napunta ng main lib eheheh...
+Masaya pa rin ako sa panonood ng TV - mga anime at chinovelas...
Sa wakas, nakapag slam dunk ng si Hanamichi..Pasok na sa finals ang Shohoku! Yehey!!!
Nalaman ko din na mabait din pala si Rukawa at nakikipagusap din pala kay sakuragi..Kasi lagi nyang sinasabi gunggong...Nakakatuwa dahil parang concern sya kay Sakuragi..Sabi nya: Bakit ka naliliit dyan? Di ka naman ganyan dati maglaro ah?...Ikinalulungkot ko..(sinabi nya nung na foul out si hanamichi..)
Sa Get backers..nakakatuwa naman yung mga episode...ang naaalala kong mission nila ay ibalik yung isang baby at tumulong si Himiko. Nakakatuwa din yung isang episode kasi ang tumanggap ng trabaho ay yung Girl from Honky Tonk kasi ala sina Van at Ginji...
Sa Snow Angel naman...ayos pa rin..alam na ngayon nu Amy na buhay si Michael at nagsinungaling sa kanya si Jeffrey.
Sa One Piece...nakakatuwa talaga si Sanji at si Lupin...Muntik ng mapugutan ng ulo si Lupin...
Sa Robin naman...di pa rin nagpapakita si Armon..haay..sana lumabas na sya if ever na buhay siya...Parang naaawa ako kay Robin...
Sa Lovers in Paris naman, pareho ng pinapakita ni Martin at Carlo na may pagtingin sila kay Vivian. Nakakainis yung friend ni Vivian na si Donna. MAsyadong sipsip. Anak kasi ng Congressman. Pinapahamak pa si Vivian at Carlo. Buti nga at di siya pinapanasin ni Carlo...heheh
+Sa pagaaral ko naman...di ako nalate sa econ at bio30 kong klase..kaya lang di naman nagquiz..haaay!!!nakapagquiz ako sa bot20...open notes pero mali mali pa rin ang sagot ko...
+Kahapon, ginawa namin yung exercise 3 sa bot20 lab. nahuli yung group namin, haay..bagal ko kasi gumawa...tska di namin inuna yung part na mahaba pala/yung may timing...kaasar nga lang kasi...dun sa part na ginawa ko, kelangan kong maglagay ng 5 drops at 10ml ng conc HCL..pipette ginamit ko...di naman ako natapunan..pero nalanghap ko..grabe..nagbigla ata ako..sumakit tuloy ang ulo ko..pagdating ko sa bahay uminom ako ng gamot..pero di nawala yung sakit..kaya uminom ulit ako pero ibnag brand naman...buti na lang nawala na....,.
+Nagecon recit kami kanina...me-exercise kaming pinasa..kaasar..mali mali pala yung paggraph ng group namin...haaay..tapos..yung isang groupmate ko na ala na ngang na conribute dun sa exercise, absent pa..pero dahil mabit kami..sinulat na din namin yung name nya sa exercise....
+Meron din akong crop protection 2 lab kanina..kala ko magpupunta kami sa filed..buti na lang hindi..
Mepresentation/reporting kami tungkol sa agroecosystem na inassign sa min para iobserve last meeting..Medyo natagalan bago makapagreport..Powerpoint kasi ang ginamit ng group namin..kinelangan pang maghanap ng laptop at OHP proj...tapos medyo nagloloko pa yung OHP..pero nakapagreport pa rin namn kami...
Buti na lang ayos naman yung report...kasi medyo pinagpuyatan ko yung paggawa ng powerpoint presentation...yung ilang pictures dun, totoong pictures ng hinuli naming mga insects, weeds etc(post ko next time heheh)
Maayos din naman yung report nung ibang group. Astig nga yung sa iba kasi yung specimens nakalaga ysa box na may cotton, yung mga weeds at damage leaves ng corn, pinaoven dry pa..ang ganda tingnan...makulay ang report nila...
+Tulad nga ng hinihilin ko kanina pa..ala kaming klase sa crpt lec..4-5 kasi yun..after nung lab..haay..medyo ineexpect ko na ala yung teacher kasi sabi nung friend ko na yun din yung prof..ala silang klase kahapon...heheh
+Kanina nakita ko yung isang friend ko na medyo matagal ko ng di nakikita...yey...
+ANo pa bang maidadagdag ko..hmm...masuwerte talga yung mga friend ko..hehehe
palagi nilang nakikita coincidentally yung mga crush nila...nakakasalubong lang namin..samantalang yung crush ko na di ko kilala di ko pa rin makita...hehehhe..4 na beses ko lang ata nakita yun last sem eh...

Haay...hanggang dito na lang muna 'to...lumalalim na ang gabi (ako ba ito?)
Sa totoo lang magtenten na...mag La-lovers in PAris na!!! Manonood pa ko...
Ano pa bang kelangan kong gawin...hmmm..magaral for eco11, bot20, magpaalam sa nanay ko for the AME FAir, magcharge ng lamp at fan, Matulog before 11pm..kasi magbrabroown out daw dito ng ganung oras eh....

babu.......

You are Robin - quiet yet powerful
You are Robin! Still young and a bit unsure of
your abilities, nonetheless you are a force to
be reckoned with, a real hidden dragon


Which Witch Hunter Robin Character Are You?
brought to you by Quizilla


Jang Dong Gun laughed@ 2:05 AM



Photo Album

Fotopic  
Tripod 1  
Tripod 2 
Yahoo Album

My Sites

Verna
Borrowed Heaven
Tabulas
Nemuru Tensai
Sakura
Blurry Eyes
Poems
Quotes
OldGB
NewGuestBook

Links

UPRHS Class '03
Kokeymath
Akosicharm
Kwizzy
Watuzi
Hisoka
G9ers

Bloggers

Sharm
Kimi
Den
Chrissie
Ria
Rose Anne
Maru
Lawrence
Maan
Kleng
Chim
Michi
Juliet
Pier
Jabez
Yerie
Em
Jeneko

Shoutbox






Archives

November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005

Fanlistings

Extras